Sunday, June 14, 2009
nakakatakot ang maging masaya...!
minsan sa patuloy nating pagsasaya.. nalilimutan na nating isipin ang iba... minsan sa panahong nakikita mo silang masaya, mas pinipili mong mag-isa...
minsan parang sumpa ang kaligayahan.. may mga bagay na nauuwi sa wala.. may sayang panandalian lamang.. at may sayang patuloy na dumadaya sa isang pusong sawi...
pagod na kong magkamali... sawa na kong gawin ang mga bagay na alam kong mali.. ayoko ng balikan ang nagpapabigat sa aking kalooban... nais ko na lang ikubli ang lahat ng ngiti.. para walang hapdi pagdating sa huli...
ayokong saktan siya ng dahil sa nais ko lang ngumiti.. hindi ko piniling makita siyang lumuha habang akong nagsasaya...nakakatakot pala ang palaging masaya.. nakakasawa... lalo nat alam mong wala naman dapat ikasaya...
ayokong magsisi ako sa aking pagsasaya.. ayokong mangulila dahil pinili kong mag-isa..ngunit ano nga bang dahilan kung bakit ako magsasaya gayung may mga tao sa aking paligid na hindi magawang magpakaligaya...?
sakim nga ba ang magsaya habang may lumuluha...? o ito lamang ang paraan upang makalimutan mo ang masalimout na katotohanan..?
ayokong may lumuha ng dahil sa aking mga gawa... hindi ko gustong may masaktan sa aking pagsasaya.. minsan, nakakatakot na... hindi natin alam ang kapalit ng isang ngiti... hindi natin alam ang hangganan ng kaligayahang inakala nating dahilan kung bakit tayo nabubuhay...
mali pala... mali ang patuloy na magsaya...lalo nat patuloy kang nagkakamali at nagkakasala..
Subscribe to:
Posts (Atom)