Thursday, May 21, 2009

nais kitang makatabi sa buong gabi...T-T


tulad ng isang gabi.. nais kong manatili ka sa aking tabi.. walang takot... walang ingay...payapa at malaya...

nais kong ikay nasa aking tabi... habang nakangiti ang buwan..habang tumatanaw ang mga bituin..habang tahimik na humahampas ang alon ng dagat.. at sabay nating hinahabol ang paglisan ng dilim... sana wala ng umaga... sana wala ng darating na bukas..lalo na kapag kapiling kita...


tulad ng payapang gabi.. mananatili ako sa iyong tabi.. hindi kita iiwan.. hindi kita lilisanin.. maghiwalay man ang dilim sa liwanag..mananatili pa rin ako sa iyong tabi...walang takot... walang kahati..


salamat sa gabi... salamat sa dilim.. salamat sa buwan at mga bituin.. nakilala ko ang aking sarili.. narating ko ang pinapangarap kong marating...natagpuan ko ang matagal ko ng hinahanap.. at dumating na rin ang matagal ko ng hinihintay...

nasi kong manatiling gabi...kapiling ka sa aking tabi...


mahal na mahal kita skyflakes ko..


prinsipe_lazir

Wednesday, May 20, 2009

Kublihan... T_T

pinilit kong takasan.. ginawa kong pagtaguan.. ngunit sa kasukdulan doon ko din nasilayan..

ayokong masilayan ang mundo.. ayokong mapansin ako ng mga tao..at hidni ko gustong mabuhay kapiling ang mga bulag at alibugho..

sa ilalim ng lupa hindi ko magawang magpatirapa.. sa dilim ng kuweba hindi ko magawang lumaya.. kahit pata sa sa lawak ng dagat.. hindi ako makakatakas.. hindi ko makukublihan...

sana may wakas din ang ulan.. sana wala na lang tag-araw.. sana nasa lupa na lang ang ulap..sana mahanap ko ang maaari kong pagkublihan..

mabuti pa ang mga langgam.. sa buhangin may tirahan.. may kublihan..may taguan.. hindi gaya ng mundong bubulalas ng hindi mo gusto.. madaya nga at hindi totoo..

prinsipe_lazir

sana palaging gabi...T-T


ayoko ng titigan ang buwan.. ayoko ng pansinin ang mga bituin.. at ayoko ng balikan ang hating-gabing dahilan kung bakit ako ngayoy nasasaktan..

hindi nga yata tamang mahalin kita ng ganung kabilis.. mali yatang sabihin na ikaw na ang gusto kong makapiling..at wala yata akong karapatan na masaktan lalo na kung wala naman talagang dahilan..

ngunit paano nga ba malalaman kung kulang o sapat ang pagmamahal..? mali bang ibigay ito ng sobra-sobra..?o dapat yung nararapat lang para tawaging PAGMAMAHAL..?

hinid ko alam kung ano ang basehan upang malaman kung tunay ang pagmamahal... ngunit para sa akin,wala namang basehan kapag nagmamahal ka.. walang iniisip na makahahadlang na anumang bagay.. para sa akin ang magmahal ay isang kaligayahan..

minsan naisip ko..mahirap yatang mahalin ang tulad ko.. isang makata.. isang manunulat.. paano nga ba ang magmahal..? sapat na bang maalala mo siya...sabihin mo ang nararamdaman mo sa kanya..? gawin mo ang lahat ng makakaya mo wag lang siya mawala..? hindi naman doon natatapos ang PAGMAMAHAL hindi ba...?

hindi ko alam.. naguguluhan ako.. tila nilamon ng buwan at mga bituin ang puso ko ng mga sandaling iyon.. nakalimutan kong may darating pa palang araw... nung gabing iyon isa lang ang hinihiling ko...binubulong ng puso ko... sana hindi matapos ang hating-gabi..sana wala ng umaga.. dahil ayokong mawala siya.. ngunit di ko ngawang pigilan ang araw.. dumating siya habang akoy lumuluha... ayoko ng araw.. ayoko ng liwanag...

marahil magiging alalala na lang ang hating-gabing iyon.. magiging inspirasyon ko habang nabubuhay..at sana hindi maging hadlang upang hindi na muli akong magmahal..

ayokong matapos ang gabi...ayokong dumating ang araw..

sana palaging gabi.. nasasabik akong magdilim...payapa...malaya ang puso kong lumuluha..

salamat sa hating gabing nagpangiti sa puso ko..

salamat sa lahat..

mahal na mahal kita..

Tuesday, May 19, 2009

SALAMAT SA IKAW....


nabubuhay akong nag-iisa...

patuloy na may luha sa mga mata...

nagtatanong sa sarili kung bakit hindi magawang lumigaya..?

naglalakbay ako ng walang patutunguhan...walang hangganan...


pagod na rin akong masaktan...

sawa ng mangarap sa TAMANG PAGMAMAHAL...

wala akong inasam para sa aking sarili...

naghihintay ako sa wala...

nag-aabang kahit wala naman talagang daraan...!


ngunit ng makilala kita...

kinalimutan ko kahit alam kong masama...

natanaw ko sa'yo ang mundong mayroon naman palang saya...

naramdaman ko sa'yo ang sarap ng maging malaya...

nagyon, lilipad ako...aalpas ko..!

nais ko pang lumigaya..!


salamat sa pagdating mo sa buhay ko..

salamat sa pagmamahal na ngayon ko lang nadama...

pagmamahal na lam kong HINDI TAMA..

ngunit TUNAY naman at DAKILA....


IKAW ang hangin ng aking paghinga...

IKAW ang kuwento ng aking mga nobela't tula..

IKAW ang himig ng aking masayang musika...

IKAW ang dahilan kung bakit sa PAGMAMAHAL patuloy akong maniniwala...!

MAHAL NA MAHAL KITA at hindi yon mawawala...



mahal na mahal kita skyflakes ko...
prinsipe_lazir

salamat sa isang hating-gabi...


paano ko nga ba makakalimutan ang isang hating gabing nagbigay sa aking ng kahulugan upang patuloy pang lumaban...patuloy pang mabuhay... mula sa isang walang kwentang AKO natuto akong ipakita kung ano at SINO ako..mula sa pinaggalingan ko ng maraming taon ng buhay ko...
hindi ko alam kung paano ko makakalimutan ang mukha mo.?? ang mga ngiti mong nagdala sa kin sa ulap..ang mga bisig mong nagpainit sa akin sa malamig kong gabi..ang mga mata mong nagbigay kulay sa mundo ko..at ang kamay mong nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa... ikaw yun eh.. ikaw ang nagparamdam sa kin ng lahat... ikaw ang tumulong sa akin pra matanaw ko na ang kagandahan ng aking mundong kinalalagyan... ikaw ang dahilan kung bakit nagyon handa na ulit akong magmahal...
nagmula ako sa kalungkutan... wala akong gabing hindi umiiyak sa tuwing iniisip kong nag-iisa lang ako..hindi ko makita kahit napakalaking bagay... wala akong saysay...walang halaga...! ngunit ng dumating ka, tinuruan mo akong ngumiti..tinuruan mo akong lumipad.. tinuruan mo ang puso kong maniwala pa sa PAGMAMAHAL... mapalad ako... halos nanghina ako..halos nawalan ng lakas...ngunit naramdaman ko ang pag agapay mo... at maraming salamat dun.. sa ikaw..ngayon handa na kong tumindig...malaya na akong sumigaw ng walang pumipigil... tinulungan mo akong hanapina ng sarili ko sa malawak na kawalan..ngayon..nagmamahal ako... hindi tama ngunit tunay na pagmamahal...
ito lang naman ang matagal ko ng pinapangarap...matagal ko ng hinihintay... saksi ang buwan at mga bituin sa pinagsaluhan nating gabi..wala palang imposible kapag nagmamahal ka sa gitna ng gabi...payapa...malaya...at walang hanggan ang iyong madarama.. salamat sa hating gabing binigay mo sa akin... salamat sa buwan at mga bituin... salamat sayo....
ayokong matapos ang ang isang hating-gabi... ayoko ng balikan ang aking pinagmulan...pagod na rin ako... sawang-sawa ng masaktan... at nais ko sanang bahagi ka ng paglalakbay ko ngayon... handa kong gawin ang lahat... handa akong magtiis...at handa akong masaktan ng paulit-ulit..
hayaan mo lang sanang maipadama ko pa syo kung gaano kita minahal... napakabilis ngunit alam kong walang hanggan...
salamat sa pagdating mo sa buhay ko... salamat sa pagtulong mo sa luhaan kong puso... ayoko ng magwakas ito... gusto pa kitang mahalin ng sobra... sana maniwala ka...
mahal na mahal kita... at mamahalin pa kita sa abot ng aking makakaya...ikaw lang skyflakes ko...
nandito lang ako....hindi mawawala..hindi magbabago... !
prinsipe_lazir