nabubuhay akong nag-iisa...
patuloy na may luha sa mga mata...
nagtatanong sa sarili kung bakit hindi magawang lumigaya..?
naglalakbay ako ng walang patutunguhan...walang hangganan...
pagod na rin akong masaktan...
sawa ng mangarap sa TAMANG PAGMAMAHAL...
wala akong inasam para sa aking sarili...
naghihintay ako sa wala...
nag-aabang kahit wala naman talagang daraan...!
ngunit ng makilala kita...
kinalimutan ko kahit alam kong masama...
natanaw ko sa'yo ang mundong mayroon naman palang saya...
naramdaman ko sa'yo ang sarap ng maging malaya...
nagyon, lilipad ako...aalpas ko..!
nais ko pang lumigaya..!
salamat sa pagdating mo sa buhay ko..
salamat sa pagmamahal na ngayon ko lang nadama...
pagmamahal na lam kong HINDI TAMA..
ngunit TUNAY naman at DAKILA....
IKAW ang hangin ng aking paghinga...
IKAW ang kuwento ng aking mga nobela't tula..
IKAW ang himig ng aking masayang musika...
IKAW ang dahilan kung bakit sa PAGMAMAHAL patuloy akong maniniwala...!
MAHAL NA MAHAL KITA at hindi yon mawawala...
mahal na mahal kita skyflakes ko...
prinsipe_lazir
No comments:
Post a Comment