Wednesday, May 20, 2009

sana palaging gabi...T-T


ayoko ng titigan ang buwan.. ayoko ng pansinin ang mga bituin.. at ayoko ng balikan ang hating-gabing dahilan kung bakit ako ngayoy nasasaktan..

hindi nga yata tamang mahalin kita ng ganung kabilis.. mali yatang sabihin na ikaw na ang gusto kong makapiling..at wala yata akong karapatan na masaktan lalo na kung wala naman talagang dahilan..

ngunit paano nga ba malalaman kung kulang o sapat ang pagmamahal..? mali bang ibigay ito ng sobra-sobra..?o dapat yung nararapat lang para tawaging PAGMAMAHAL..?

hinid ko alam kung ano ang basehan upang malaman kung tunay ang pagmamahal... ngunit para sa akin,wala namang basehan kapag nagmamahal ka.. walang iniisip na makahahadlang na anumang bagay.. para sa akin ang magmahal ay isang kaligayahan..

minsan naisip ko..mahirap yatang mahalin ang tulad ko.. isang makata.. isang manunulat.. paano nga ba ang magmahal..? sapat na bang maalala mo siya...sabihin mo ang nararamdaman mo sa kanya..? gawin mo ang lahat ng makakaya mo wag lang siya mawala..? hindi naman doon natatapos ang PAGMAMAHAL hindi ba...?

hindi ko alam.. naguguluhan ako.. tila nilamon ng buwan at mga bituin ang puso ko ng mga sandaling iyon.. nakalimutan kong may darating pa palang araw... nung gabing iyon isa lang ang hinihiling ko...binubulong ng puso ko... sana hindi matapos ang hating-gabi..sana wala ng umaga.. dahil ayokong mawala siya.. ngunit di ko ngawang pigilan ang araw.. dumating siya habang akoy lumuluha... ayoko ng araw.. ayoko ng liwanag...

marahil magiging alalala na lang ang hating-gabing iyon.. magiging inspirasyon ko habang nabubuhay..at sana hindi maging hadlang upang hindi na muli akong magmahal..

ayokong matapos ang gabi...ayokong dumating ang araw..

sana palaging gabi.. nasasabik akong magdilim...payapa...malaya ang puso kong lumuluha..

salamat sa hating gabing nagpangiti sa puso ko..

salamat sa lahat..

mahal na mahal kita..

No comments: