paano ko nga ba makakalimutan ang isang hating gabing nagbigay sa aking ng kahulugan upang patuloy pang lumaban...patuloy pang mabuhay... mula sa isang walang kwentang AKO natuto akong ipakita kung ano at SINO ako..mula sa pinaggalingan ko ng maraming taon ng buhay ko...
hindi ko alam kung paano ko makakalimutan ang mukha mo.?? ang mga ngiti mong nagdala sa kin sa ulap..ang mga bisig mong nagpainit sa akin sa malamig kong gabi..ang mga mata mong nagbigay kulay sa mundo ko..at ang kamay mong nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa... ikaw yun eh.. ikaw ang nagparamdam sa kin ng lahat... ikaw ang tumulong sa akin pra matanaw ko na ang kagandahan ng aking mundong kinalalagyan... ikaw ang dahilan kung bakit nagyon handa na ulit akong magmahal...
nagmula ako sa kalungkutan... wala akong gabing hindi umiiyak sa tuwing iniisip kong nag-iisa lang ako..hindi ko makita kahit napakalaking bagay... wala akong saysay...walang halaga...! ngunit ng dumating ka, tinuruan mo akong ngumiti..tinuruan mo akong lumipad.. tinuruan mo ang puso kong maniwala pa sa PAGMAMAHAL... mapalad ako... halos nanghina ako..halos nawalan ng lakas...ngunit naramdaman ko ang pag agapay mo... at maraming salamat dun.. sa ikaw..ngayon handa na kong tumindig...malaya na akong sumigaw ng walang pumipigil... tinulungan mo akong hanapina ng sarili ko sa malawak na kawalan..ngayon..nagmamahal ako... hindi tama ngunit tunay na pagmamahal...
ito lang naman ang matagal ko ng pinapangarap...matagal ko ng hinihintay... saksi ang buwan at mga bituin sa pinagsaluhan nating gabi..wala palang imposible kapag nagmamahal ka sa gitna ng gabi...payapa...malaya...at walang hanggan ang iyong madarama.. salamat sa hating gabing binigay mo sa akin... salamat sa buwan at mga bituin... salamat sayo....
ayokong matapos ang ang isang hating-gabi... ayoko ng balikan ang aking pinagmulan...pagod na rin ako... sawang-sawa ng masaktan... at nais ko sanang bahagi ka ng paglalakbay ko ngayon... handa kong gawin ang lahat... handa akong magtiis...at handa akong masaktan ng paulit-ulit..
hayaan mo lang sanang maipadama ko pa syo kung gaano kita minahal... napakabilis ngunit alam kong walang hanggan...
salamat sa pagdating mo sa buhay ko... salamat sa pagtulong mo sa luhaan kong puso... ayoko ng magwakas ito... gusto pa kitang mahalin ng sobra... sana maniwala ka...
mahal na mahal kita... at mamahalin pa kita sa abot ng aking makakaya...ikaw lang skyflakes ko...
nandito lang ako....hindi mawawala..hindi magbabago... !
prinsipe_lazir
No comments:
Post a Comment