Wednesday, September 17, 2008
mabuti rin pala ang mag-isa.... T-T
minsan akala mo lahat ng paglisan may dahilan... akala mo lahat ng umaalis ay may paparating na kapalit... ngunit minsan alam na natin sa ating sarili na ang bawat paglisan ay bahagi na ng buhay... yung tagpong hindi mo na maaaring gawan ng paraan... habulin mo man, di mo maaabutan...
minsan hindi ba natin maaaring isipin na dapat din tayong matutong mag-isa...? yung tipong wala na siya..wala na sila sa tabi mo..ngunit patuloy mo pa rin naihahakbang ang mga paa mo... nabibigyan mo pa ng kaunting ngiti ang iyong mukha....
minsan, hindi natin naiisip na walang may kasalanang mag-isa... bahagi na kasi yun bilang isang tao... nadadala lang marahil tayo ng takot... at hindi kasi natin kayang malimot yung taong yun... dapat isipin na lang natin na lahat ng bagay sa mundong ito'y minsan na taong dinadaya... minsan kung kailan ayaw mo siyang mawala, siyaka siya nagpaparamdam magpaalam... kapag naman ayaw mo na naman siyang makapiling dala ng nasasaktan ka na, siyaka naman sila nananatili...
minsan kailangan nating buksan ang isipan upang malaman natin na hindi kasawian ang pagiging mag-isa....wag kayong tumulad sa akin... ako ang larawan ng pag-iisa...larawan ng kasawian.....
ngunit minsan naisip ko...habang pumapatak ang aking luha... na hindi naman masama ang mag-isa... maaari naman tayong tumingala at umasang nakikinig siya... ngayon tinatanggap ko na, na minsan mabuti rin pala ang mag-isa....
Wednesday, July 30, 2008
paglisan T-T
Saturday, July 19, 2008
sinumpa akong mag-isa...nasasaktan... lumuluha... T-T
minsan sa aking patuloy na paglikha ng isang katha ay kasabay ng pag-iisip sa mga bagay-bagay na aking ginagawa... pakiramdam ko kasi minsan, nagiging bulag na'ko sa pagkukubli ng mga tama... nagiging manhid na'ko sa hampas ng isang sumpa... at minsan tila isa akong bingi na sa sobrang katahimikan...
ako'y nagmamahal... isang pagmamahal na alam kong walang patutungunhan... ngunit ang bawat simula ay may hangganan... ngunit tila hindi ko matagpuan... hindi ko kayang iwaksi ang isang damdaming sumisigaw ng isang haplos..isang pagkalinga mula sa pagkakabagsak...
patuloy akong naglalakbay... tila patuloy akong tinatangay ng hangin papunta sa kawalan... tila natunaw na ang liwanag ng isang ilawan na nagsilbing gabay... minsan iniiwanan nako ng aking pag-asa... hindi ba isang sumpa ang aking dinadanas...? lahat na yata ng aking mga pagkilos ay may kaakibat na parusa... isa lang naman ang nais ko sa aking buhay... ang makilala ang tunay na AKO... upang mahalain ako at magmahal ako ng isang tunay na tao...! pero hanggang ngayon sa kinauupuan ko..ay kasabay ng pagpatak ng aking luha ang pagtanggap sa isang kasawian...
sinumpa yata akong mag-isa...nasasaktan...lumuluha...
manunulat_akong_sawi
ang tunay na pagmamahal ay di isang obsesyon...
Tuesday, July 15, 2008
salamat sa'yo...
Sunday, July 13, 2008
sana ako'y iyong naririnig...
Thursday, July 10, 2008
sa aking ama at ina...
sa aking ama at ina...
buong puso akong nag-aalay ng napakaraming pagpapasalamat sa inyo bilang aking mga mangulang. Hindi dahil sa mabuti akong anak...kundi dahil ito sa inyong pagiging dakila at isang mapagmahal na magulang...
bagamat di ko nakita ang aking simula bilang isang sanggol, ay naramdaman ko ito sa aking puso hanggang ngayon ay nananatili pa...
Salamat Itay...
sa buhay na ibinigay nyo sa akin ...sa mga dugot-pawis na inyong pinagtiisan upang manatiling matatag ang pamilya. Naaalala ko pa ang mga sandaling wala ka ng pahinga sa hanap-buhay..na itong nagsilbing hamon sa akin upang pagbutihin ang aking pag-aaral... salamat itay,sa mga sandaling ipinagtatanggol nyo ako sa aking mga kaaway... salamat dahil pinaramdam nyong hindi ako nag-iisa...at isa akong batang matapang..salamat itay sa mga pag-unawa sa pagiging pasaway na bata..alam kong minsan ay sumosobra na..salamat itay,sa mga bisig na ibinibigay nyo na nagamit kong sandalan sa gitna ng kalungkutan... kahit mahirap ang buhay, di nyo hinahayaang maging kaawa-awa ang pamilya sa pangin ng iba...salamat sa mga palo at saway na tumulong sa akin bilang isang mabuting tao. salamat sa matatamis na payo sa akin na aking isinasapuso...salamat dahil binuo nyo ang aking pagkatao at ipinakita nyo ang tunay na lalaki kahit saang istilo...
Salamat Inay...
salamat sa walang sawang pag-aaruga nyo sa aming mga anak nyo...sa mga pagkakataong hindi nyo kami iniiwan... salamat inay, sa inyong pagkadakila...slamat po dahil hindi kayo nagsasawa sa inyong pamilya...salamat inay,sa paggising nyo ung maaga upang maghanda sa mga anak sa pagpasok sa eskwela...salamat po,dahil kahit minsan lumuluha na kayo ay nananatili kayong matapang...salamat inay, sa mga katangiang aking natutunan...sa mga palot-saway..salamat inay,dahil hindi ka humihinto s apaglilinis ng bahay maging sa paglalaba... salamat dahil ginawa nyong masaya ang ating buhay...salamat dahil binigay nyo ang unawa sa aking mga pagkakamali...salamat sa haplos sa tuwing akoy may karamdaman..slamat sa paghele nyo tuwing akoy mahihimbing...salamat inay,dahil kahit pumapayat ka na sa sobrang pagod, para ka pa ring isang bato...matibay at hindi patatalo... salamat...salamat sa pagluwal nyo sa akin sa mundong ito...at salamat sa liwanag na gumagabay sa aking paglalakbay...
alam kong hindi ako perpektong anak...sumusuway..nagtataksil....akoy isang suwail..!ngunit sa likod nito ay ang puso kong mapagmahal...mapagunawa...
salamt..salamat...ito lang ang mga salitang kaya kong isukli sa lahat ng kabutihang aking nakakamtan...sana...sana makapiling ko pa kayo ng matagal...habang akoy patuloy na nabubuhay gusto ko kayong isama sa aking paglalakbay..
mahal na mahal ko kayo...
nagmamahal na anak...
Wednesday, July 9, 2008
bilanggo sa aking mundo....!
hinding-hindi mawawala...
Saturday, July 5, 2008
it was november...
Friday, July 4, 2008
larawan ng pagkainip...
sa inyong katahimikan....
sa patuloy kong pakikisalimuha sa mundo ng isang kompitisyon, naranasan kong matalo, ngunit nagalak din naman akong nanalo... minsan may isang mithiing hindi na dapat ipaglaban pa... ngunit dapat ipagpatuloy... narito ang mga taong magpapabagsak sayo sa tuwing ika'y umaangat... may mga taong nakikita sa'yo ang kanilang pangarap kaya pilit nilang inaagaw... may isang taong nangakong maging kaibigan...ngunit sa huli'y ika'y iiwan... madaya..! sinungaling..! sakim ang mundong ating ginagalawan... nasisilaw sa isang papuring alam natin isang panandaliang bagay lamang... tulad nila...tulad ko...nais kong abutin ang pangarap ko... ngunit kahit saang sulok ako magtungo, nariyan sila...ikaw! hindi ka magpapatalo...!
sa kabila ng mga ito, nawa'y maisip nyo kahit sa inyong katahimikan, na tayong mga tao'y hindi nilikha upang maglaban, mang-api, mantapak at mainggit sa isang pangarap...
tandaan natin na anumang bagay na ating tionatamasa sa ngayon ay maglalaon..maglalaho... mapaparam...at di natin madadala sa libingan...
manunulat_akong_sawi@yahoo.com
sadyang madaya... T-T
i love you MOM.... T-T
novelizta2007
kung may isang hihilingin....
KUNG MAY ISANG HIHILINGIN…
Marahil mali ang maghangad na makapiling ang mahal sa buhay ng habang buhay… mga taong patuloy na nagiging hangin sa aking paglalakbay dito sa madilim na mundo... Tulad ni Inay, taong kapag lumisan ay tiyak kong hindi ko makakaya… mga sandaling nais ko ng maglaho na! Ngunit dito sa mundong ito, narito ang kalungkutan, kahapisan at kahirapan…
Habang kapiling ko si Inay, isang damdamin ang nasa kaibuturan ng aking puso…isang pagmamahal na walang katapat…pagmamahal na kasunod ng para sa Dios… pagmamahal na lahat ay kakayaning ibuhos…Nais kong manatili si Inay, sa aking tabi, sa aking puso, at sa aking kaluluwa… Ngunit isang kasalanan ang hilinging mapigil ang isang kamatayan na alam kong hinding-hindi ko malalabanan…
Nais ko pang mag-alay ng pagmamahal kay Inay, nais ko pa siyang dalhin sa mundong hindi matatagpuan dito.. isang lugar kung saan walang hapis, walang dusa at pasakit… nais ko pa siyang yakapin ng mahigpit.. manatili pa sa aking bisig…
Ngunit alam kong darating din ang mga sandaling mararamdaman ko ang malamig na niyang kamay… makikita ko ang isang payapang mukhang nahihimlay sa isang libingan… maaalala ko ang mga sandaling kapiling ko siya…at tinanggap ko na noon pa na maglalaho ang ngiti sa aking mga mukha…at ako’y patuloy na luluha…
Marahil kung mayroon akong isang hihilingin…yun ay ang manatili pa sa aking tabi si Inay… dahil lahat ng hirap, at sakit ay aking titiisin…habang buhay ko lang siyang makapiling.. madaya ang mundo… sinungaling ang mga pagkakataon… ipinanganak ka ng mayroong isang Ina, ngunit sa huli’y babawiin pala…sa ngayon, hindi ko alam ang aking magiging larawan kapag dumating na akoy iwanan na niya,,, sana kung nakikinig ang Dios, sana bigkisin pa niya kami ni Inay, nagmamahalan… Mahal na mahal kita Inay… at hindi ko kayang mawala ka…sapagkat nanaisin ko ng mamatay na rin kung wala ka na sa aking piling… patawad sa kung ano at sino ako…ngunit lagi akong narito para sa iyo…
manunulat_akong_sawi T-T
bakit ganun sila..??
bakit ganun sila...?? dati kapit-kapit ang mga kamay namin..? nangako sa isat-isa na wala ng iwanan...pero bakit pakiramdam ko nililisan nila ko... pakiramdam ko tinutungo na nila ang landas na sisira sa buhay nila...? hindi naman ako masamang tao...hindi ako masamang kaibigan...naririto ako sa kanila upang gabayan at maging kanilang sandalan...pero sino nga ba akong babago sa buhay nila...na kikitil sa kaligayahan nila..alam ko hindi ako naging perpektong kaibigan...ngunit alam ko tunay akong kaibigan para sa kanila..,hindi ako nagkulang...kasama nila ako sa pagluha...sa pagtawa at pagtitiis ng mga bagay na sobrang sakit...pero bakit ganun sila..?
kasalanan bang magmahal sila..? nagmahal sila ng mga taong inakala nilang buhay nila...taong hindi nila kinilala...taong sa huli sumira sa buhay nila...
nakalulungkot isipin...pero hindi ako manhid...hindi ako kaaway upang ipaglihim lahat sa kin...! hindi ako tanga!! lalong hindi ako bato... para hindi masaktan...nasasaktan ako sa mga nangyari sa inyo..nanghihinayang ako para sa mga pangarap niyo na sinisira lang ng mga taong inakala nyong mamahalin kayo...mali ba ko para sabihin ito sa inyo..??masama ba ko para sabihing sinisira nyo na ang buhay niyo...!?
masakit...masakit para sa kaibigang tulad ko na tanggapin lahat-lahat ng nangyari...naaalala ko pa...sobrang saya natin nun......alam nyo yun...pero ano..? bakit..? bakit anong nangyari sa inyo..?? masakit...
pero sa huli ganun naman tlga ang buhay ng mga tao... kaya lang hindi ko kayang tanggapin na ganito ang magiging buhay nyo...kung maaari ku lang ibalik ang mga sandali...pero...sino ba ako..? isang kaibigan lamang na sa paglaon ay makakalimutan...
pero salamat....natutunan ko sa inyo ang buhay ko.. salamt dahil ipinakita ko ang totoong ako dahil sa gabay nyo...salamat sa inyo...
alam kong mahirap....pero pakiramdam ko...hindi nyo kailangan ang payo ko...ang mga salita ko...at ang isang tulad ko....kaya malaya kayo...
pipilitin ko na lang maging masaya kahit ganun ang nangyari sa inyo....kaibigan nyo ko eh...at hindi yun pdeng magabago...
ingat nalang tayo....alam kong may dahilan lahat...
pero nanadito lang ako....hindi ako lalayo... malungkot man ako...ngunit pipilitin kong ngumiti para sa inyo...
slamat sa inyo....nalaman ko na makulay ang buhay ko....
T-T
manunulat akong sawi....
ikaw lang jackie...
hindi ko alam..pero simula ngh dumating siya sa buhay ko...maraming nagbago...nabuhay uli ako...bakit ganun?minsan na nga lang akong lumigaya pero parang pinagkakait pa..?
hanggang kailan ako iiyak..? hanggang kailan ako mangangarap..?! hanggang kailan ako aasa sa isang pagmamahal na tinaggap ko ng hinding hindi ko mararanasan sa kanya..! pakiramdam ko sinumpa akong maging malungkot..hindi lumiligaya.!! pero tao rin ako..may puso..nasasaktan!!
jhaq...patawad kung sobra kitang minamahal...hindi ko na rin alam sa sarili ko kung tama pa ba ang mga ginagawa ko..ang alam ko lang sayo na umiikot ang buong buhay ko...!hindi naman mahirap intindihin yun diba..?!!
pero gaya nga ng lagi kong sinasabi...kakayanin ko lahat-lahat ng sakit...kakayanin ko jhaq....kasi sobrang mahal kita...yun lang...
ikaw lang...jackie.....
sawing_manunulat....T-T
minsan naitatanong ko kung ano at sino nga ba ako..?? at ano ang dahilan kung bakit ako naririto sa mundong ito...? ngunit sa halos labing dalawang taon kong pananatili at patuloy na paglalakbay ko sa mundong ito ay hindi ko man lang nalaman ang tunay na kasagutan...kaya heto ako..pakiramdam ko isa kong hangin na naglalakbay sa isang kawalan,,,
minsan naitatanong ko...kung bakit pakiramdam ko sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko ay may kaakibat na parusa...mabuti man o masama...minsan naisip ko hindi ako normal tulad ng nakararami..tulad niyong patuloy na nagpapahina sa akin...
minsan naitanong ko...bakit tila pinagkakaitan akong lumigaya kahit saglit lang... pakiramdam ko wala akong kayang gawin upang sumaya...hindi ako kayang mapasaya ng anumang bagay dito sa mundo...marahil sapat na sa akin ang mga bagay na mayroon ako at kung ano ang pananaw ko sa buhay...
hindi ako masamang tao...isa lang akong mababang tao na walang ibang hinangad kundi ang kahit papanoy lumigaya...ngunit papano akong liligaya gayong lahat ng aking mga paggalaw ay may kaakibat na isang sumpa na hanggang ngayon ay hindi ko kayang paglabanan...
nangangarap...nakikisama...at nagmamahal...iyan lang marahila ng silbi ko sa mundong ito...ngunit minsan naitatanong ko...bakit ganon...? kung sino pang mga gumagawa ng kasalanan ay sila pang patuloy na lumiligaya...pakiramdam ko hindi ako nabubuhay upang lumigaya...
minsan naitatanong ko...hanggang saan at kailan pa ba ako lalaban...gayong dati pa ay alam ko ng talunan na ako...sa lahat ng bagay...
minsan naitatanong ko...bakit lahat ng pinapangarap ko ay nasa kamay ng iba...? bakit parang hindi ako maaaring magkamali at magkasala...gayong tao rin naman ako...hindi perpekto...ngunit kayang magpakatotoo..
minsan sa buhay ko inihinto ko ang takbo ng bawat minuto...nananatili ako sa isang sulok ng kawalan kung saan naroon ako...kumikilos at naglalakbay mag-isa...wlang mga matang tumatanaw at pupuna sa kung ano at sino ako...kasama ko ang hangin na patuloy na nakikinig sa aking paglalakbay...di tulad ng mga tao sa paligid ko..bulag at hindi totoo...
minsan naitanong ko...bakit hindi pa matapos ang buhay ko..? gayong ramdam na ramdam ko na walang saysay ang buhay ko...hanggang kailan ako magiging ganito... ilalatha ang mga damdamin ko sa isang bulag na manhid na mundo..
tao din ako tulad niyo...hindi nga lang totoo..dahil walang katotohanan nag pagiging ako at kung sino ako...
ito ako...at hindi nyo ko mababago....
manunulat_akong_sawi