Tuesday, July 15, 2008

salamat sa'yo...


hindi ko alam kung bakit ba ako naririto ngayon... dito mismo sa kinauupuan ko... yun lang naman lagi ang itinatanong ko...ngunit tila nasagot naman kahit papano... marahil isa lang ang gusto kong sabihin... minsan ko lang naramdaman ang bagay na ito... bagay na nagpalakas at bumuhay sa isang tulad ko... ito ay ang MAGMAHAL...
at alam kong kahit hindi mo ako naririnig... hindi mo ito mababasa...alam kong sa kahit papano'y nakikinig ang aking musika...ang aking mga kamay..ang aking isipan at ang aking puso sa lahat ng nilalaman nito... nais sana kitang kausapin...sana ako'y pakinggan kahit sa kawalan....
mahal na mahal kita...yun lang naman ang sinisigaw ng puso ko... nang una kitang makita, sinabi ko sa sarili ko na ikaw ang babaeng mamahalin ko kahit sa habang buhay..babaeng lahat ay handa kong gawin...mapasaya ka lamang... ngunit sino ba naman ako para sa'yo..? isa lamang akong hamak na manunulat... walang kinang... isang duwag...
ngunit sa kabila ng mga ito...may puso din ako...
pusong duwag man ngunit kayang tumapang... alam mo nang una kitang makilala, lumakas ang loob kong harapin ang lahat... masasabi kong naging inspirasyon kita sa lahat kong mga paggawa... hinahanap kita sa aking pagtulog... mukha mo ang nasa panaginip ko... at ang mga ngiti mo ang kinasasabikan ko... sabik akong pumapasok sa eskwela...sabik akong makasama kita...
minsan nga lang naisip ko...masyadong madaya talaga ang mga pagkakataon... sa panahon na gusto kitang makapiling, kusa kang lumilisan... at sa panahong sinasaktan mo na ko..lagi kang nariyan...haaayy...ganito yata talaga ang magmahal... sana lang nagbukas pa ang pintuan mo upang kilalanin pa ako ng husto...sa totoo lang, hindi naman talaga ito ang tunay na ako...dahil sa loob ko, iba ako...! sana man lang binigyan mo ako ng pagkakataon upang magpakilala pa sa'yo ng lubusan...ngunit hindi kita masisisi, dahil alam kong mayroon pang mga taong kayang higitan ang pagmamahal ko... alam ko hindi kailanman ang tulad ko ang pinapangarap mo... alam kong wala lang ako para sa'yo...
ngunit lahat naman handa kong gawin...sinabi ko naman sa yo yun di ba..?na lahat ng sakit kaya ko...kinakaya ko..at kakayanin ko pa ng husto...kasi kasama naman yun pag nagmahal hindi ba..? ang MASAKTAN ng MASAKTAN...! nalulungkot lang kasi ako...kasi pakiramdam ko balewala lang ako... ano ba itong mga sinasabi ko...? patawad sa kabaliwan ko...
sa ngayon..isa lang siguro ang gutso kong sabihin at ipadama sayo... salamat, dahil kahit papano ay naging dahilan ka upang maniwala pa ako sa pagmamahal...salamat dahil kahit papano'y pinakinggan mo ako... salamat dahil sa isang saglit nakasama kita... nasabi ko lahat... ngunit alam kong hindi pa sapat lahat...pero may hangganan din ang tulad ko... mahina at di kayang lumaban...
sana... tulad ka ng isang bulaklak... na sa una'y nananatiling nakasara... at sa paglao'y bubuka at mamumulaklak..sana ganyan ang puso mo...
salamat jackielyn... hinding hindi kita malilimutan...at hanggat kaya ko pa, mamahalin kita habang buhay... mahal na mahal kita...
manunulat_akong_sawi

No comments: