Wednesday, July 9, 2008

bilanggo sa aking mundo....!


sumapit ang isang mahalagang araw ng aking buhay, hindi ko man lang natanaw ang paglubog ng araw sa kalangitan...akoy nasa loob ng bilanguang hindi ko man lang kayang malisan... tama...isang sandali na halos pigilan ko ang pagpatak ng ulan mula sa aking mga mata... isang saglit na hinabol ko ang paglisan ng aking hininga...sandaling unti-uniting nilisan ng isang pag-asa...ngunit akoy isang bilanggo na binulag ng pagkakataon...walang armas sa isang malagim na digmaan... tanging panglinis ng isang putik ang aking hawak...kasabay nito ang masakit na hampas ng isang higanteng unti-unting tumatapak sa iyo..mga nakasisilaw na ginto sa aking paligid na hindi ko maaaring mahawakan man lang....at ang isang pusong unti-unti dinadala ng kapalaran...isang kalapating pilit na ikinukulong sa isang masikip na hawla...lumuluha...at naghihina...


ako'y isang bilanggo sa aking mundo... di ko man lang nagawang ngumiti sa aking kaarawan...

tanging pag-asang matanaw ang isang pagmamahal na tanging lakas...lakas na nagpapalakas..!
manunulat_akong_sawi



1 comment:

Anonymous said...

"Ang makata ay ipinanganganak,hindi ginagawa,at ang kaniang kabaliwan ay kaalinsabay na niang ipinaglihi at sumilang,katambal ng kaniang damdamin,kakawil ng kaniang hininga,at bahagi na ng kaniang buhay."


-shout out qto uah?
hahaha