Friday, July 4, 2008

kung may isang hihilingin....











KUNG MAY ISANG HIHILINGIN…

Marahil mali ang maghangad na makapiling ang mahal sa buhay ng habang buhay… mga taong patuloy na nagiging hangin sa aking paglalakbay dito sa madilim na mundo... Tulad ni Inay, taong kapag lumisan ay tiyak kong hindi ko makakaya… mga sandaling nais ko ng maglaho na! Ngunit dito sa mundong ito, narito ang kalungkutan, kahapisan at kahirapan…

Habang kapiling ko si Inay, isang damdamin ang nasa kaibuturan ng aking puso…isang pagmamahal na walang katapat…pagmamahal na kasunod ng para sa Dios… pagmamahal na lahat ay kakayaning ibuhos…Nais kong manatili si Inay, sa aking tabi, sa aking puso, at sa aking kaluluwa… Ngunit isang kasalanan ang hilinging mapigil ang isang kamatayan na alam kong hinding-hindi ko malalabanan…

Nais ko pang mag-alay ng pagmamahal kay Inay, nais ko pa siyang dalhin sa mundong hindi matatagpuan dito.. isang lugar kung saan walang hapis, walang dusa at pasakit… nais ko pa siyang yakapin ng mahigpit.. manatili pa sa aking bisig…

Ngunit alam kong darating din ang mga sandaling mararamdaman ko ang malamig na niyang kamay… makikita ko ang isang payapang mukhang nahihimlay sa isang libingan… maaalala ko ang mga sandaling kapiling ko siya…at tinanggap ko na noon pa na maglalaho ang ngiti sa aking mga mukha…at ako’y patuloy na luluha…

Marahil kung mayroon akong isang hihilingin…yun ay ang manatili pa sa aking tabi si Inay… dahil lahat ng hirap, at sakit ay aking titiisin…habang buhay ko lang siyang makapiling.. madaya ang mundo… sinungaling ang mga pagkakataon… ipinanganak ka ng mayroong isang Ina, ngunit sa huli’y babawiin pala…sa ngayon, hindi ko alam ang aking magiging larawan kapag dumating na akoy iwanan na niya,,, sana kung nakikinig ang Dios, sana bigkisin pa niya kami ni Inay, nagmamahalan… Mahal na mahal kita Inay… at hindi ko kayang mawala ka…sapagkat nanaisin ko ng mamatay na rin kung wala ka na sa aking piling… patawad sa kung ano at sino ako…ngunit lagi akong narito para sa iyo…

manunulat_akong_sawi T-T

No comments: