sa pagpatak ng aking mga luha ay ang isang nakapupuwing na sandali ng aking buhay... isang tadhana ang hindi ko na kayang ituloy pa...paglalakbay na ayoko ng tapusin pa...kasabay ng aking mga bulong ay ang isang damdaming sumisigaw sa kasuluksulukan ng aking puso...nagtatanong kung bakit ba ako narito..? dito mismo sa kinalalagyan ko..?! nangarap akong kumawala sa madilim na hawla...ngunit hindi ko kaya...marahil naduwag akong bumagsak kasabay ang malalaking agila sa kalangitan...isa lang akong langgam na patuloy na tinatapakan... patuloy na naglalakbay ng walang patutunghan...sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig ay isang kasinungalingan na alam kong hindi ko kayang isiwalat... hindi ako bato... pero kaya kong maging totoo...! pero nakakapagod din ang maglakbay kasabay ang mga hanging humahaplos lang sa aking katawan... nakakapagod makipagusap sa mga taong di bukas ang pandinig... nakakatakot makita ng mga taong bulag ang totoong ako...kahit hindi naman tlga ako...! sa ngayon.....patuloy akong maglalakbay...sa dilim man o sa liwanag... sa init man o sa lamig.... hindi ako susuko..sa mga taong hindi kilala ang ibig sabhin ng salitang AKO...! maigsi lang ang buhay...kahit di ko kayang lumigaya...kaya ko namang maging malaya.... sa mundong sadyang madaya!!!!!
Friday, July 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment