Wednesday, July 30, 2008

paglisan T-T


sa pagpatak ng luha ni INA ay damang dama ko ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon... nagsisisi ako dahil hindi ko man lang siya niyakap upang sabihin na narito ako... wala na si LOLA... iniwan na niya si INA.. mga sandaling pilit na nilalabanan niya na tanggapin... ngunit habang nakatitig ako sa malungkot niyang mukha ay naisip kong sadyang madaya ang buhay... may sumpa... iyon ang kamatayan... paano na si INA ngayong wala na ang kanyang INA..? tulad din kaya niya ang tulad ko na baka maubusan ng pag-asa sakaling akoy maulila..? marahil hindi... sapagkat duwag ako..at si Ina sobrang tapang! alam kong kinakaya niya! matapang siya eh..! yun nga lang siguro ang di ko namana sa kanya... alam kong di mo ganun kadaling matatanggap ang pagkawala ni LOLA, ngunit INA..narito ako...narito pa kaming mga anak mo... babantay sayo..kakalinga..at patuloy na magmamahal sa'yo... alam kong mahirap..mahirap ang dinadanas mo...pero ma sana tanggapin natin na iyon talaga ang hantungan ng isang buhay...ang kamatayan... at ang tanging hiling ko lang sa DIOS, sana palakasin pa si INA, madali niyang malampasan ang mga alalala ng kanyang mahal na ina... at ipaalala pa sa kanya na marami pang taong nagmamahal sa kanya... nadito lang kami INA para sayo..hinding-hindi ka namin iiwan..pangako yan INA...nandito kami sa lungkot at saya...


mahal na mahal ka namin INA, nawa'y mapawi na ang iyong kalungkutan...

nilisan man tayo ni lola alam ko namang kakayanin natin lahat basta tayoy sama-sama...


mahal na mahal kita ma...

No comments: