salamat sa pagdating mo sa buhay ko... salamat sa lakas.. sa ngiti at sa pagmamahal... ikaw ang dahilan kung bakit patuloy akong maniniwala sa PAGMAMAHAL... mahal na mahal kita...
nais ko ng lumaya...
ayokong masilayan ang mundo...ayokong mapansin ako ng mga tao... at hindi ko gustong mabuhay kapiling ang mga bulag at alibugho.. sana makalaya ako..sana makaalpas ako!
minsan mabuti rin pala ang mag-isa...
minsan naisip ko...habang pumapatak ang aking luha... na hindi naman masama ang mag-isa... maaari naman tayong tumingala at umasang nakikinig siya... ngayon tinatanggap ko na, na minsan mabuti rin pala ang mag-isa..
hangin sa kawalan..
ibulong mo lang sa hangin ang nais mong sabihin... siya ang tangi mong piping saksi... ipararating nito ang katagang nais mong aminin.. sige lang..bumulong ka lang....
nais kong liparin ang lawak ng kawalan...
nais kong maulit ang aking buhay kung may pagkakataon... upang mamalas ang mga bagay-bagay na hindi ko natanto sa aking buhay...
hindi kita iiwan...
kapag nararamdaman kong hindi ako mahalaga sa isang tao, kusa na akong lumalayo... kaya kapag naramdaman mong wala na ako sa paligid mo, hindi ibig sabihin nun hindi na kita mahal... naramdaman ko lang siguro na hindi mo ako kailangan... ngunit tandaan mo, hinding-hindi kita iiwan...
sana'y mamalas mo ang tunay na pag-ibig,,,
minsan kailangan mong ipikit ang iyong mga mata at isiping hindi totoo ang tadhana... dapat kasabay ng pagdampi ng hangin sa'yong mukha ay ang katotohanang ang tunay na pag-ibig ay hindi kayang maghintay... at dapat ng ipadama ang isang pagmamahal... sana, sana iyo na agad na matagpuan bago pa mahuli ang lahat...
hindi bulag ang isang manunulat!
ang bawat salitang aking nililikha ay ibinubulong ng isang hangin sa kawalan... at ang hanging ito ang nagsisilbing dahilan kung bakit ako humihinga...
patawad sa isang pagmamahal...
bait ganun..? hindi ko man lang mapaligaya ang sarili ko tulad ng mga tao sa paligid ko... sinumpa yata akong mag-isa... lumuluha.. T-T
si jackie... isang sumpa...isang tadhana...
mahal na mahal kita... kahit sobrang sakit na...
akO'y isAnG mAkaTa...!
"Ang makata ay ipinanganganak,hindi ginagawa,at ang kaniang kabaliwan ay kaalinsabay na niang ipinaglihi at sumilang,katambal ng kaniang damdamin,kakawil ng kaniang hininga,at bahagi na ng kaniang buhay."
aking buhay...T-T
takot akong mawala ka...hindi sa hindi ko kayang mabuhay ng wala ka...kundi takot akong dumating yung araw... na mahal pa rin kita...kait WALA ka na...
mag-ingat sa tulad kong MANUNULAT...!
"ang panahon, hindi kailan mang papanig sa iyong ayon. sa oras na kailangan mo itong manatili, kusa siyang lumilipad. sa saglit na nais mo siyang lumipas, kusa siyang tumatagal.."
"namulat ako sa madilim na mundo ng aking pagkatao... dinadama ko ang ihip ng maruming hangin... nakikinig ako sa bulong ng kulog... naglalakbay ako sa isang kawalan...walang sulok...walang hangganan..lahat sila ako'y nililisan!dahilan ng kasawian T-T"
No comments:
Post a Comment