Wednesday, July 30, 2008

paglisan T-T


sa pagpatak ng luha ni INA ay damang dama ko ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon... nagsisisi ako dahil hindi ko man lang siya niyakap upang sabihin na narito ako... wala na si LOLA... iniwan na niya si INA.. mga sandaling pilit na nilalabanan niya na tanggapin... ngunit habang nakatitig ako sa malungkot niyang mukha ay naisip kong sadyang madaya ang buhay... may sumpa... iyon ang kamatayan... paano na si INA ngayong wala na ang kanyang INA..? tulad din kaya niya ang tulad ko na baka maubusan ng pag-asa sakaling akoy maulila..? marahil hindi... sapagkat duwag ako..at si Ina sobrang tapang! alam kong kinakaya niya! matapang siya eh..! yun nga lang siguro ang di ko namana sa kanya... alam kong di mo ganun kadaling matatanggap ang pagkawala ni LOLA, ngunit INA..narito ako...narito pa kaming mga anak mo... babantay sayo..kakalinga..at patuloy na magmamahal sa'yo... alam kong mahirap..mahirap ang dinadanas mo...pero ma sana tanggapin natin na iyon talaga ang hantungan ng isang buhay...ang kamatayan... at ang tanging hiling ko lang sa DIOS, sana palakasin pa si INA, madali niyang malampasan ang mga alalala ng kanyang mahal na ina... at ipaalala pa sa kanya na marami pang taong nagmamahal sa kanya... nadito lang kami INA para sayo..hinding-hindi ka namin iiwan..pangako yan INA...nandito kami sa lungkot at saya...


mahal na mahal ka namin INA, nawa'y mapawi na ang iyong kalungkutan...

nilisan man tayo ni lola alam ko namang kakayanin natin lahat basta tayoy sama-sama...


mahal na mahal kita ma...

Saturday, July 19, 2008

sinumpa akong mag-isa...nasasaktan... lumuluha... T-T



minsan sa aking patuloy na paglikha ng isang katha ay kasabay ng pag-iisip sa mga bagay-bagay na aking ginagawa... pakiramdam ko kasi minsan, nagiging bulag na'ko sa pagkukubli ng mga tama... nagiging manhid na'ko sa hampas ng isang sumpa... at minsan tila isa akong bingi na sa sobrang katahimikan...

ako'y nagmamahal... isang pagmamahal na alam kong walang patutungunhan... ngunit ang bawat simula ay may hangganan... ngunit tila hindi ko matagpuan... hindi ko kayang iwaksi ang isang damdaming sumisigaw ng isang haplos..isang pagkalinga mula sa pagkakabagsak...

patuloy akong naglalakbay... tila patuloy akong tinatangay ng hangin papunta sa kawalan... tila natunaw na ang liwanag ng isang ilawan na nagsilbing gabay... minsan iniiwanan nako ng aking pag-asa... hindi ba isang sumpa ang aking dinadanas...? lahat na yata ng aking mga pagkilos ay may kaakibat na parusa... isa lang naman ang nais ko sa aking buhay... ang makilala ang tunay na AKO... upang mahalain ako at magmahal ako ng isang tunay na tao...! pero hanggang ngayon sa kinauupuan ko..ay kasabay ng pagpatak ng aking luha ang pagtanggap sa isang kasawian...

sinumpa yata akong mag-isa...nasasaktan...lumuluha...

manunulat_akong_sawi

ang tunay na pagmamahal ay di isang obsesyon...


may makapagsasabi ba sa akin kung mayroon nga bang hangganan ang magmahal..? may isang tao bang dapat tumayo sa aking harapan at sabihing tama na! itigil na ang isang pagmamahal..? may makapagsasabi ba sa akin kung ito ba'y isang pagmamahal o isang obsesyon.. dala ng isang kasakiman o isang pagmamahal...?
ang tunay na pag-ibig ay kailanman ay hindi mauuwi sa isang obsesyon... tulad ko... mali bang magmahal ng higit pa sa sarili ko... mali bang lahat ng gawin ko ay para sa kanya..? at mali bang mahalin siya habang buhay..hanggat ako'y may hininga..? hindi ito isang obsesyon! isa itong tunay at dakilang pagmamahal!
sa mga taong naniniwala na ang lubos na pagmamahal ay nauuwi sa isang obsesyon ay mga taong mababaw ang pagtingin sa pag-ibig... mga taong hindi alam ang lalim ng karagatan... at hindi alam ang paglipad sa kalawakan...
darating din ang araw.. matagpuan ko man ang hanggan ng pagmamahal ay hindi naman ako hahantong sa isang obsesyon na isang sumpa sa mga pusong tunay na nagmamahal...
manunulat_akong_sawi

Tuesday, July 15, 2008

salamat sa'yo...


hindi ko alam kung bakit ba ako naririto ngayon... dito mismo sa kinauupuan ko... yun lang naman lagi ang itinatanong ko...ngunit tila nasagot naman kahit papano... marahil isa lang ang gusto kong sabihin... minsan ko lang naramdaman ang bagay na ito... bagay na nagpalakas at bumuhay sa isang tulad ko... ito ay ang MAGMAHAL...
at alam kong kahit hindi mo ako naririnig... hindi mo ito mababasa...alam kong sa kahit papano'y nakikinig ang aking musika...ang aking mga kamay..ang aking isipan at ang aking puso sa lahat ng nilalaman nito... nais sana kitang kausapin...sana ako'y pakinggan kahit sa kawalan....
mahal na mahal kita...yun lang naman ang sinisigaw ng puso ko... nang una kitang makita, sinabi ko sa sarili ko na ikaw ang babaeng mamahalin ko kahit sa habang buhay..babaeng lahat ay handa kong gawin...mapasaya ka lamang... ngunit sino ba naman ako para sa'yo..? isa lamang akong hamak na manunulat... walang kinang... isang duwag...
ngunit sa kabila ng mga ito...may puso din ako...
pusong duwag man ngunit kayang tumapang... alam mo nang una kitang makilala, lumakas ang loob kong harapin ang lahat... masasabi kong naging inspirasyon kita sa lahat kong mga paggawa... hinahanap kita sa aking pagtulog... mukha mo ang nasa panaginip ko... at ang mga ngiti mo ang kinasasabikan ko... sabik akong pumapasok sa eskwela...sabik akong makasama kita...
minsan nga lang naisip ko...masyadong madaya talaga ang mga pagkakataon... sa panahon na gusto kitang makapiling, kusa kang lumilisan... at sa panahong sinasaktan mo na ko..lagi kang nariyan...haaayy...ganito yata talaga ang magmahal... sana lang nagbukas pa ang pintuan mo upang kilalanin pa ako ng husto...sa totoo lang, hindi naman talaga ito ang tunay na ako...dahil sa loob ko, iba ako...! sana man lang binigyan mo ako ng pagkakataon upang magpakilala pa sa'yo ng lubusan...ngunit hindi kita masisisi, dahil alam kong mayroon pang mga taong kayang higitan ang pagmamahal ko... alam ko hindi kailanman ang tulad ko ang pinapangarap mo... alam kong wala lang ako para sa'yo...
ngunit lahat naman handa kong gawin...sinabi ko naman sa yo yun di ba..?na lahat ng sakit kaya ko...kinakaya ko..at kakayanin ko pa ng husto...kasi kasama naman yun pag nagmahal hindi ba..? ang MASAKTAN ng MASAKTAN...! nalulungkot lang kasi ako...kasi pakiramdam ko balewala lang ako... ano ba itong mga sinasabi ko...? patawad sa kabaliwan ko...
sa ngayon..isa lang siguro ang gutso kong sabihin at ipadama sayo... salamat, dahil kahit papano ay naging dahilan ka upang maniwala pa ako sa pagmamahal...salamat dahil kahit papano'y pinakinggan mo ako... salamat dahil sa isang saglit nakasama kita... nasabi ko lahat... ngunit alam kong hindi pa sapat lahat...pero may hangganan din ang tulad ko... mahina at di kayang lumaban...
sana... tulad ka ng isang bulaklak... na sa una'y nananatiling nakasara... at sa paglao'y bubuka at mamumulaklak..sana ganyan ang puso mo...
salamat jackielyn... hinding hindi kita malilimutan...at hanggat kaya ko pa, mamahalin kita habang buhay... mahal na mahal kita...
manunulat_akong_sawi

Sunday, July 13, 2008

sana ako'y iyong naririnig...


minsan sa aking paglalakad pauwi ng aming bahay.... kapiling ko ang isang kaibigan...masaya kaming nagkukuwentuhan... ang ngiti ko'y hindi mabilang... ngunit tila sinasadya ng sandali ng ika'y makita sa di kalayuan... ako'y natahimik... nawala sa sarili...ngunit dama ko ang galak sa aking puso ng ikay makita...ngunit di pala ako dapat maging magalak... sapagkat wala akong sandatang ihaharap sa taong kasama mo...taong handa ring ialay ang lahat sa'yo...at taong unti-unti nilalabanan ang isang tulad ko...
ako'y isa lamang hangin na dumaan sa inyong dalawa... nagbigay ng kaunting pagbati...ngunit tila ako'y nagulat ng kaaway ko'y inalayan ako ng isang ngiti...
nakita ko ang iyong mukha sa dilim ng buwan... malungkot...hindi maipinta...nakatakip ang mukha...at may pagkislap sa iyong mga mata.....
saglit akong nag-isip...ano ang kislap sa iyong mga mata ng sandaling iyon...tila kristal na nais kong slauhin at di ko tuluting mabasag... natulala ako... bakit ka lumuluha ng sandaling iyon...? gayong kapiling mo ang isang taong minahal mo...minamahal mo...at mamahalin mo pa ng lubusan...
ano ang dahilan ng isang paghikbi na dumampi s aiyong mukha, na labis na tumusok sa aking puso..? pinilit kong kayanin at sa'yoy ngumiti...at sa huli'y iniwanan...nagpaalam... ngunit habang akoy patuloy na naglalakad ay naging palaisipan sa akin ang mga sandaling iyon..?
nais ko sanang itanong...bakit ka lumuluha...? ngunit hindi ako matapang upang sumugod sa isang kalaban...na alam kong mas kakampihan mo sa anu pa man...
sayang... kung kaya ko lang habulin ang paglisan ng aking tapang ay gagawin ko.. masabi ko lang ang mga nararamdaman ko sa'yo...
ngunit sa kahit anu pa man...nandito lang ako...kahit masakit kakayanin ko...dahil alam kong ito lang ang tanging magagawa ko...ialay ang bisig ko...sa sandaling kailangan mo ako...
mahal na mahal kita kahit alam kong hindi na tama...mahal na mahal kita kahit alam kong ako'y talo na! mahal na mahal kita kahit may mahal kang iba....
sana naririnig mo ako...sana....
manunulat akong sawi

Thursday, July 10, 2008

sa aking ama at ina...






sa aking ama at ina...



buong puso akong nag-aalay ng napakaraming pagpapasalamat sa inyo bilang aking mga mangulang. Hindi dahil sa mabuti akong anak...kundi dahil ito sa inyong pagiging dakila at isang mapagmahal na magulang...

bagamat di ko nakita ang aking simula bilang isang sanggol, ay naramdaman ko ito sa aking puso hanggang ngayon ay nananatili pa...



Salamat Itay...

sa buhay na ibinigay nyo sa akin ...sa mga dugot-pawis na inyong pinagtiisan upang manatiling matatag ang pamilya. Naaalala ko pa ang mga sandaling wala ka ng pahinga sa hanap-buhay..na itong nagsilbing hamon sa akin upang pagbutihin ang aking pag-aaral... salamat itay,sa mga sandaling ipinagtatanggol nyo ako sa aking mga kaaway... salamat dahil pinaramdam nyong hindi ako nag-iisa...at isa akong batang matapang..salamat itay sa mga pag-unawa sa pagiging pasaway na bata..alam kong minsan ay sumosobra na..salamat itay,sa mga bisig na ibinibigay nyo na nagamit kong sandalan sa gitna ng kalungkutan... kahit mahirap ang buhay, di nyo hinahayaang maging kaawa-awa ang pamilya sa pangin ng iba...salamat sa mga palo at saway na tumulong sa akin bilang isang mabuting tao. salamat sa matatamis na payo sa akin na aking isinasapuso...salamat dahil binuo nyo ang aking pagkatao at ipinakita nyo ang tunay na lalaki kahit saang istilo...



Salamat Inay...

salamat sa walang sawang pag-aaruga nyo sa aming mga anak nyo...sa mga pagkakataong hindi nyo kami iniiwan... salamat inay, sa inyong pagkadakila...slamat po dahil hindi kayo nagsasawa sa inyong pamilya...salamat inay,sa paggising nyo ung maaga upang maghanda sa mga anak sa pagpasok sa eskwela...salamat po,dahil kahit minsan lumuluha na kayo ay nananatili kayong matapang...salamat inay, sa mga katangiang aking natutunan...sa mga palot-saway..salamat inay,dahil hindi ka humihinto s apaglilinis ng bahay maging sa paglalaba... salamat dahil ginawa nyong masaya ang ating buhay...salamat dahil binigay nyo ang unawa sa aking mga pagkakamali...salamat sa haplos sa tuwing akoy may karamdaman..slamat sa paghele nyo tuwing akoy mahihimbing...salamat inay,dahil kahit pumapayat ka na sa sobrang pagod, para ka pa ring isang bato...matibay at hindi patatalo... salamat...salamat sa pagluwal nyo sa akin sa mundong ito...at salamat sa liwanag na gumagabay sa aking paglalakbay...

alam kong hindi ako perpektong anak...sumusuway..nagtataksil....akoy isang suwail..!
ngunit sa likod nito ay ang puso kong mapagmahal...mapagunawa...

salamt..salamat...ito lang ang mga salitang kaya kong isukli sa lahat ng kabutihang aking nakakamtan...sana...sana makapiling ko pa kayo ng matagal...habang akoy patuloy na nabubuhay gusto ko kayong isama sa aking paglalakbay..

mahal na mahal ko kayo...

nagmamahal na anak...

Wednesday, July 9, 2008

bilanggo sa aking mundo....!


sumapit ang isang mahalagang araw ng aking buhay, hindi ko man lang natanaw ang paglubog ng araw sa kalangitan...akoy nasa loob ng bilanguang hindi ko man lang kayang malisan... tama...isang sandali na halos pigilan ko ang pagpatak ng ulan mula sa aking mga mata... isang saglit na hinabol ko ang paglisan ng aking hininga...sandaling unti-uniting nilisan ng isang pag-asa...ngunit akoy isang bilanggo na binulag ng pagkakataon...walang armas sa isang malagim na digmaan... tanging panglinis ng isang putik ang aking hawak...kasabay nito ang masakit na hampas ng isang higanteng unti-unting tumatapak sa iyo..mga nakasisilaw na ginto sa aking paligid na hindi ko maaaring mahawakan man lang....at ang isang pusong unti-unti dinadala ng kapalaran...isang kalapating pilit na ikinukulong sa isang masikip na hawla...lumuluha...at naghihina...


ako'y isang bilanggo sa aking mundo... di ko man lang nagawang ngumiti sa aking kaarawan...

tanging pag-asang matanaw ang isang pagmamahal na tanging lakas...lakas na nagpapalakas..!
manunulat_akong_sawi



hinding-hindi mawawala...


ma...minsan lang sambitin ng aking bibig ang salitang MAHAL kita... alam kong hindi mo pa ganun naririnig na sinasabi ko sa inyo yun...pero ma, sa loob ko gustong-gusto kong sambitin iyon sa bawat minuto... siguro sa ngayon isa lang talaga ang kinakatakot ko...marahil ang iwanan mo ko..kaming magkakapatid...alam ko Ma, darating din ang mga oras na yun..pero sana ma, ngayon pa lang naturuan ko na ang sarili kong lumaban kapag wala ka na...ma slamat sa lahat-lahat...di man ako naging mabuting anak pero MAHAL na mahal kita...kung maaari lang kitag dalhin sa ulap gagawin ko...gusto kong maranasan mo ang sarap ng buhay na di mo pa narraranasan...kaya ma, sa ngayon, kasama ka sa mga dahilanm kung bakit ako nabubuhay...kung bakit ako patuloy na lumalaban sa kabila ng mga hirap...Ma mahal na mahal kita... patawad kung hindi ako prpekto...pero kaya ko namang ipagmalaki ang saili ko para sa iyo... Ma, sana...sana....makita mo pa ang mga magiging apo mo...makita mo pa ang pagtatagumpay ko...at sana ma, makasama pa kita hanggang sa pagtanda ko...


marahil ito lang ang mga salitang nasa aking PUSO...hinding-hindi ito mawawala....


MA, mahal na mahal kita at lahat gagawin ko para sayo...


salamat Ma...



nagmamahal..


sawing anak...T-T

Saturday, July 5, 2008

it was november...



im thinking the circumstances as i see her face...? it was november when i met her...

i was attract by her face... i dont know why...the first thing that i thought was shes the one...

is it wrong to love her...? or to feel her so special...? but as the days past as i lying on my bed...shes always there...her smile comfort me when im sad... the feeling i cant understand...

and the days came...i was totally inlove with her without knowing the possible things that can put me down...! im a looser when it comes to love.. i almost down as they telling me that i couldnt love her...i shoudnt... but how i can stop my heart shouting her name...? tell me..??
am almost died as i see her... i want to kept her in isolated place...no worries...no destruction...and no pain...but who am i...? i just her fan...just her friend that always ignored....
i did every liitle thing just to see how i really love her...! but it was turned to nothing! haha...!
as of now...as im missing her is the moments i trashed...i dont know...but for me, i cant forced the moment to be with her.....she never believes in love...! shes always sitting and waiting for the right one....!
i was getting insane as i heard that shes leaving...i cant... i cant....!
im gonna miss her.... if i ever got to hold her hands, i can die happy...
bacause i cant move without her...! really! im getting weak without her...!!!
fuck this love!!! i hate this love!!!


Friday, July 4, 2008

larawan ng pagkainip...


siya ba ang larawan ng isang babaeng patuloy na naghihintay sa isang pagmamahal na minsan na niyang nakamtan...? pagmamahal na minsan na niyang iniwanan... at dahilan ng isang kasawian...?
si jackie...isang taong tila takot magmahal hindi dahil sa hindi niya kaya...kundi takot siyang magmhala ng isang taong hindi niya siguradong mamahalin siya ng totoo... ang tulad niya ay isang ginto para sa mga taong tunay na nagmamahal sa kanya...ngunit hindi pala lahat ng kumikinang ay totoo... minsan ay mapanlinlang...
siya ba ang larawan ng isang taong naniniwalang ang tunay na pag-ibig ay kayang maghintay...? ngunit masdan mo ang kanyang mukha...tila binabalot ng kalungkutan... pag-aalalala... at marahil pagkainip sa patuloy na paghihintay sa mga taong inaakala niyang totoo sa kanya....
minsan kailangan niyang buksan ang kanyang isip...upang malaman niya na hindi totoo ang isang tadhana... dapat niyang imulat ang kanyang mga mata sa pagtanaw sa mga taong handang mahalain siya... at dapat niyang buksan ang kanyang puso upang mawala ang isang takot... takot na nagpapahina at sumisira sa kanyang pangarap...
ang pag-ibig ay hindi kayang maghintay.....
dapat ipadama ang isang pagmamahal....!
sana...sana ay matagpuan niya ang tunay na pagmamahal na kay tagal na niyang hinihintay...
manunulat_akong_sawi T-T

sa inyong katahimikan....



sa patuloy kong pakikisalimuha sa mundo ng isang kompitisyon, naranasan kong matalo, ngunit nagalak din naman akong nanalo... minsan may isang mithiing hindi na dapat ipaglaban pa... ngunit dapat ipagpatuloy... narito ang mga taong magpapabagsak sayo sa tuwing ika'y umaangat... may mga taong nakikita sa'yo ang kanilang pangarap kaya pilit nilang inaagaw... may isang taong nangakong maging kaibigan...ngunit sa huli'y ika'y iiwan... madaya..! sinungaling..! sakim ang mundong ating ginagalawan... nasisilaw sa isang papuring alam natin isang panandaliang bagay lamang... tulad nila...tulad ko...nais kong abutin ang pangarap ko... ngunit kahit saang sulok ako magtungo, nariyan sila...ikaw! hindi ka magpapatalo...!

sa kabila ng mga ito, nawa'y maisip nyo kahit sa inyong katahimikan, na tayong mga tao'y hindi nilikha upang maglaban, mang-api, mantapak at mainggit sa isang pangarap...
tandaan natin na anumang bagay na ating tionatamasa sa ngayon ay maglalaon..maglalaho... mapaparam...at di natin madadala sa libingan...

manunulat_akong_sawi@yahoo.com

sadyang madaya... T-T


sa pagpatak ng aking mga luha ay ang isang nakapupuwing na sandali ng aking buhay... isang tadhana ang hindi ko na kayang ituloy pa...paglalakbay na ayoko ng tapusin pa...kasabay ng aking mga bulong ay ang isang damdaming sumisigaw sa kasuluksulukan ng aking puso...nagtatanong kung bakit ba ako narito..? dito mismo sa kinalalagyan ko..?! nangarap akong kumawala sa madilim na hawla...ngunit hindi ko kaya...marahil naduwag akong bumagsak kasabay ang malalaking agila sa kalangitan...isa lang akong langgam na patuloy na tinatapakan... patuloy na naglalakbay ng walang patutunghan...sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig ay isang kasinungalingan na alam kong hindi ko kayang isiwalat... hindi ako bato... pero kaya kong maging totoo...! pero nakakapagod din ang maglakbay kasabay ang mga hanging humahaplos lang sa aking katawan... nakakapagod makipagusap sa mga taong di bukas ang pandinig... nakakatakot makita ng mga taong bulag ang totoong ako...kahit hindi naman tlga ako...! sa ngayon.....patuloy akong maglalakbay...sa dilim man o sa liwanag... sa init man o sa lamig.... hindi ako susuko..sa mga taong hindi kilala ang ibig sabhin ng salitang AKO...! maigsi lang ang buhay...kahit di ko kayang lumigaya...kaya ko namang maging malaya.... sa mundong sadyang madaya!!!!!

i love you MOM.... T-T


F U READ THIS U WILL GET SOME LESSON AND U WILL REALIZE HOW MPORTANT UR MOTHER.,.,SOME OF US WILL CRY AND SOME OF USE TOUCHED THE STORY..,.,WHEN I READ THIS I WAS CRY NOT ONLY ME BUT ALSO MY CLASSMATES.,.,,
For the first time, allow me to thankyou for all the love that you have given me especiallywhen I was a child, sickly and difficult. I rememberyou coming from your factory work, dead tired, but youstill managed to go to the market, cooked and cared forme. I always saw you because I was just there playingwith my friends. I saw you coming home with vegetablesand fish which, when cooked, I ate a sour face becauseI wanted something more delicious. I don’t rememberthe day without a single complaint about you or aboutthe life that we lived. But I also do not remember anyword of gratitude from me for all that you were doingfor us. My other brothers and sisters tried their bestto help you. Thy sold things and engaged themselveseven in contractual jobs to help you survive thefamily. It was hard not having a father around. I couldstill remember the day when he left us for anotherwoman. You were trying to be brave, you talked to eachone of us with the appeal to make things work out anddo our best to keep the rest of us together. The familybecame incomplete without Tatay, but you tried to serveas mother and father. You were there to make a familyamong us. You were never bitter; you were never hard onus. But you were so hard on yourself in terms of nothaving even a little luxury of buying a new blouse foryou. You always bought things for us first. And there Iwas, still complaining because I wanted more expensivethings for me. And yet, you did not express any hurtfeelings even if I knew that deep inside you werecrying. You encouraged us to go to school, like myother brothers and sisters who were working students. Irefused vehemently, I just wanted to hang around andhave an easy life. I was lazy. Probably, I did not knowwhat goodness was because I did not know how to begrateful. I wanted a better life but did not like towork for it. A month ago, you came home chillingwith fever from forced overtime work. I attended to youfor a while but went back across the street where I wasplaying basketball with friends. I hardly looked at youwhen you were there lying in one corner of he house.After four days of sickness, you got up and preparedfor work. I did not even ask if you were already well.I did not even help you carry the pail of water foryour bath. You went back to work just to come back homein the evening pale and almost without life. You didnot like to go to the doctor. You said the money thatwe had was for my next semester, in case I want toenroll for school. You said that you will bealright. The next day, you did not get up. My oldersister cooked breakfast. Afterwards, she asked me tosee if you were already awake. As I approached you,there was a strange feeling. You were sleeping quietly.Very quiet. I looked at you and you were lying downcalmly and peacefully. As I got near you, I felt apounding on my chest. For the first time, I prayed foryou, that God will open your eyes and say the usualmorning greetings to me with loving reminder that Ishould eat my breakfast on time. With bended knees Itouched you, called you, but you did not seem to hear,I embraced you but you did not seem to feel. Iwhispered to you that I wanted to take care of you butno response at all. Deep within me, I knew why youcannot hear, speak, or feel me anymore. All I saw was abody, with a face that was calm but still could nothide the pains and struggles of a woman who tried herbest to give us a family in spite of herlimitations. As you lie down in peace before webring you to your final rest, I would like to tell you,for the first time how grateful I am to you for being amother to me, for giving us a taste of a family.Thank you for all the love that you have given me andus all. For the first time, I want to tell you I LOVEYOU and THANK YOU. The sad thing is that it does notmatter anymore whether it is my first or last time tosay those words to you… WISH YOU COULD HEAR ME saythose words to you, wish I was able to say them to youa long time ago… NANAY, I LOVE YOU VERY MUCH, AND THANKYOU..
novelizta2007

kung may isang hihilingin....











KUNG MAY ISANG HIHILINGIN…

Marahil mali ang maghangad na makapiling ang mahal sa buhay ng habang buhay… mga taong patuloy na nagiging hangin sa aking paglalakbay dito sa madilim na mundo... Tulad ni Inay, taong kapag lumisan ay tiyak kong hindi ko makakaya… mga sandaling nais ko ng maglaho na! Ngunit dito sa mundong ito, narito ang kalungkutan, kahapisan at kahirapan…

Habang kapiling ko si Inay, isang damdamin ang nasa kaibuturan ng aking puso…isang pagmamahal na walang katapat…pagmamahal na kasunod ng para sa Dios… pagmamahal na lahat ay kakayaning ibuhos…Nais kong manatili si Inay, sa aking tabi, sa aking puso, at sa aking kaluluwa… Ngunit isang kasalanan ang hilinging mapigil ang isang kamatayan na alam kong hinding-hindi ko malalabanan…

Nais ko pang mag-alay ng pagmamahal kay Inay, nais ko pa siyang dalhin sa mundong hindi matatagpuan dito.. isang lugar kung saan walang hapis, walang dusa at pasakit… nais ko pa siyang yakapin ng mahigpit.. manatili pa sa aking bisig…

Ngunit alam kong darating din ang mga sandaling mararamdaman ko ang malamig na niyang kamay… makikita ko ang isang payapang mukhang nahihimlay sa isang libingan… maaalala ko ang mga sandaling kapiling ko siya…at tinanggap ko na noon pa na maglalaho ang ngiti sa aking mga mukha…at ako’y patuloy na luluha…

Marahil kung mayroon akong isang hihilingin…yun ay ang manatili pa sa aking tabi si Inay… dahil lahat ng hirap, at sakit ay aking titiisin…habang buhay ko lang siyang makapiling.. madaya ang mundo… sinungaling ang mga pagkakataon… ipinanganak ka ng mayroong isang Ina, ngunit sa huli’y babawiin pala…sa ngayon, hindi ko alam ang aking magiging larawan kapag dumating na akoy iwanan na niya,,, sana kung nakikinig ang Dios, sana bigkisin pa niya kami ni Inay, nagmamahalan… Mahal na mahal kita Inay… at hindi ko kayang mawala ka…sapagkat nanaisin ko ng mamatay na rin kung wala ka na sa aking piling… patawad sa kung ano at sino ako…ngunit lagi akong narito para sa iyo…

manunulat_akong_sawi T-T

bakit ganun sila..??


bakit ganun sila....???
bakit ganun sila...?? dati kapit-kapit ang mga kamay namin..? nangako sa isat-isa na wala ng iwanan...pero bakit pakiramdam ko nililisan nila ko... pakiramdam ko tinutungo na nila ang landas na sisira sa buhay nila...? hindi naman ako masamang tao...hindi ako masamang kaibigan...naririto ako sa kanila upang gabayan at maging kanilang sandalan...pero sino nga ba akong babago sa buhay nila...na kikitil sa kaligayahan nila..alam ko hindi ako naging perpektong kaibigan...ngunit alam ko tunay akong kaibigan para sa kanila..,hindi ako nagkulang...kasama nila ako sa pagluha...sa pagtawa at pagtitiis ng mga bagay na sobrang sakit...pero bakit ganun sila..?
kasalanan bang magmahal sila..? nagmahal sila ng mga taong inakala nilang buhay nila...taong hindi nila kinilala...taong sa huli sumira sa buhay nila...
nakalulungkot isipin...pero hindi ako manhid...hindi ako kaaway upang ipaglihim lahat sa kin...! hindi ako tanga!! lalong hindi ako bato... para hindi masaktan...nasasaktan ako sa mga nangyari sa inyo..nanghihinayang ako para sa mga pangarap niyo na sinisira lang ng mga taong inakala nyong mamahalin kayo...mali ba ko para sabihin ito sa inyo..??masama ba ko para sabihing sinisira nyo na ang buhay niyo...!?
masakit...masakit para sa kaibigang tulad ko na tanggapin lahat-lahat ng nangyari...naaalala ko pa...sobrang saya natin nun......alam nyo yun...pero ano..? bakit..? bakit anong nangyari sa inyo..?? masakit...
pero sa huli ganun naman tlga ang buhay ng mga tao... kaya lang hindi ko kayang tanggapin na ganito ang magiging buhay nyo...kung maaari ku lang ibalik ang mga sandali...pero...sino ba ako..? isang kaibigan lamang na sa paglaon ay makakalimutan...
pero salamat....natutunan ko sa inyo ang buhay ko.. salamt dahil ipinakita ko ang totoong ako dahil sa gabay nyo...salamat sa inyo...
alam kong mahirap....pero pakiramdam ko...hindi nyo kailangan ang payo ko...ang mga salita ko...at ang isang tulad ko....kaya malaya kayo...
pipilitin ko na lang maging masaya kahit ganun ang nangyari sa inyo....kaibigan nyo ko eh...at hindi yun pdeng magabago...
ingat nalang tayo....alam kong may dahilan lahat...
pero nanadito lang ako....hindi ako lalayo... malungkot man ako...ngunit pipilitin kong ngumiti para sa inyo...
slamat sa inyo....nalaman ko na makulay ang buhay ko....
T-T
manunulat akong sawi....

ikaw lang jackie...


kasalanan bang maramdamn ko sa isang tulad niya ang pagmamahal na hindi ko pa naramdaman kahit kailan..? isa yatang sumpa sa akin ang MAGMAHAL... isang napakasakit na bagay na hindi ko pwedeng pigilan...isang tadhana na sisira sa aking buhay... ngunit bakit tila napakadaya ng tadhana..?! bakit niya hinahayaang masaktan ang tulad ko.?! mahal na mahal ko siya...at yun ang totoo..pero tila wala ni isa ang nakakaintindi nun...marahil dahil kahit sa sarili ko hindi ko din kaya...pero wla ba kong karapatang magmahal..?!bakit parang lalo lang akong sinasaktan..?!!!
hindi ko alam..pero simula ngh dumating siya sa buhay ko...maraming nagbago...nabuhay uli ako...bakit ganun?minsan na nga lang akong lumigaya pero parang pinagkakait pa..?
hanggang kailan ako iiyak..? hanggang kailan ako mangangarap..?! hanggang kailan ako aasa sa isang pagmamahal na tinaggap ko ng hinding hindi ko mararanasan sa kanya..! pakiramdam ko sinumpa akong maging malungkot..hindi lumiligaya.!! pero tao rin ako..may puso..nasasaktan!!
jhaq...patawad kung sobra kitang minamahal...hindi ko na rin alam sa sarili ko kung tama pa ba ang mga ginagawa ko..ang alam ko lang sayo na umiikot ang buong buhay ko...!hindi naman mahirap intindihin yun diba..?!!
pero gaya nga ng lagi kong sinasabi...kakayanin ko lahat-lahat ng sakit...kakayanin ko jhaq....kasi sobrang mahal kita...yun lang...
ikaw lang...jackie.....
sawing_manunulat....T-T

minsan naitatanong ko...???
minsan naitatanong ko kung ano at sino nga ba ako..?? at ano ang dahilan kung bakit ako naririto sa mundong ito...? ngunit sa halos labing dalawang taon kong pananatili at patuloy na paglalakbay ko sa mundong ito ay hindi ko man lang nalaman ang tunay na kasagutan...kaya heto ako..pakiramdam ko isa kong hangin na naglalakbay sa isang kawalan,,,
minsan naitatanong ko...kung bakit pakiramdam ko sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko ay may kaakibat na parusa...mabuti man o masama...minsan naisip ko hindi ako normal tulad ng nakararami..tulad niyong patuloy na nagpapahina sa akin...
minsan naitanong ko...bakit tila pinagkakaitan akong lumigaya kahit saglit lang... pakiramdam ko wala akong kayang gawin upang sumaya...hindi ako kayang mapasaya ng anumang bagay dito sa mundo...marahil sapat na sa akin ang mga bagay na mayroon ako at kung ano ang pananaw ko sa buhay...
hindi ako masamang tao...isa lang akong mababang tao na walang ibang hinangad kundi ang kahit papanoy lumigaya...ngunit papano akong liligaya gayong lahat ng aking mga paggalaw ay may kaakibat na isang sumpa na hanggang ngayon ay hindi ko kayang paglabanan...
nangangarap...nakikisama...at nagmamahal...iyan lang marahila ng silbi ko sa mundong ito...ngunit minsan naitatanong ko...bakit ganon...? kung sino pang mga gumagawa ng kasalanan ay sila pang patuloy na lumiligaya...pakiramdam ko hindi ako nabubuhay upang lumigaya...
minsan naitatanong ko...hanggang saan at kailan pa ba ako lalaban...gayong dati pa ay alam ko ng talunan na ako...sa lahat ng bagay...
minsan naitatanong ko...bakit lahat ng pinapangarap ko ay nasa kamay ng iba...? bakit parang hindi ako maaaring magkamali at magkasala...gayong tao rin naman ako...hindi perpekto...ngunit kayang magpakatotoo..
minsan sa buhay ko inihinto ko ang takbo ng bawat minuto...nananatili ako sa isang sulok ng kawalan kung saan naroon ako...kumikilos at naglalakbay mag-isa...wlang mga matang tumatanaw at pupuna sa kung ano at sino ako...kasama ko ang hangin na patuloy na nakikinig sa aking paglalakbay...di tulad ng mga tao sa paligid ko..bulag at hindi totoo...
minsan naitanong ko...bakit hindi pa matapos ang buhay ko..? gayong ramdam na ramdam ko na walang saysay ang buhay ko...hanggang kailan ako magiging ganito... ilalatha ang mga damdamin ko sa isang bulag na manhid na mundo..
tao din ako tulad niyo...hindi nga lang totoo..dahil walang katotohanan nag pagiging ako at kung sino ako...
ito ako...at hindi nyo ko mababago....
manunulat_akong_sawi